Iba pang mga Kasabayang Salaysay
Bukod pa sa mga salaysay na ito ng Unang Pangitain na isinulat mismo ni Joseph Smith, lima sa mga nabuhay na tao sa kanyang panahon na nakarinig sa sinabi niya tungkol sa pangitain ang sumulat din ng mga tala. Basahin dito ang mga salaysay na ito.
Orson Pratt, An Interesting Account (1840)
Tungkol sa Salaysay ni Orson Pratt
Sa paglipas ng mga taon, narinig ng maraming tao ang pagsasalita ni Joseph Smith tungkol sa mga nakita niyang pangitain. Maikling binanggit ito ng ilang tao sa kanilang mga liham o mga paggunita. Ang ilan ay nagtala ng mas detalyadong paglalarawan noong panahon ni Joseph.
Si Orson Pratt ng Korum ng Labindalawang Apostol ang may-akda ng pinakaunang nailathalang salaysay ng Joseph's First Vision of Deity sa polyetong ito sa Edinburgh, Scotland, noong 1840. Si Pratt ay tinawag sa Korum noong 1835 sa edad na 23. Nakibahagi sila ni Joseph sa mga pulong ng pamunuan ng Simbahan, gumugol ng panahon kasama ang propeta, at dinaluhan ang pagtatalumpati ni Joseph sa publiko sa Pennsylvania at New Jersey noong Disyembre 1839.
1842 na Polyeto ni Orson Hyde
Tungkol sa Polyeto ni Orson Hyde
Inilathala ni Orson Hyde ng Korum ng Labindalawang Apostol ang salaysay na ito tungkol sa mga unang pangitain ni Joseph Smith sa Frankfurt, Germany, noong 1842. Tumigil siya sa Germany nang pabalik na siya sa Estados Unidos matapos mangaral sa mga Judio sa buong Europa at ilaan ang Banal na Lupain para sa pagtitipon ng mga labi ng mga nagkalat na lipi ni Juda. Nilikha ni Hyde ang mga teksto sa Ingles, umaasa nang husto sa Interesting Account, ni Pratt, at isinalin ito sa wikang Aleman para sa paglalathala sa ilalim ng pamagat na Ein Ruf aus der Wüste, na ibig sabihin ay “isang sigaw mula sa ilang.”
Journal ni Levi Richards (1843)
Tungkol sa Journal ni Levi Richard
Kasunod ng pampublikong pulong ng simbahan noong Hunyo 11, 1843 kung saan nagsalita si Joseph Smith tungkol sa kanyang pinakaunang pangitain, nagtala si Levi Richards ng salaysay tungkol dito sa kanyang talaarawan.
Interbyu ni David Nye White (1843)
Tungkol sa mga Interbyu ni David Nye White
Noong Agosto 1843, ininterbyu ni David Nye White, patnugot ng Pittsburgh Weekly Gazette, si Joseph Smith sa kanyang tahanan bilang bahagi ng dalawang araw na pagtigil sa Nauvoo, Illinois. Kabilang sa kanyang artikulo ang salaysay ng Unang Pangitain ni Joseph Smith.
Journal ni Alexander Neibaur (1844)
Tungkol sa Journal ni Alexander Neibaur
Noong Mayo 24, 1844, ang dayuhang German at miyembro ng Simbahan na si Alexander Neibaur ay bumisita kay Joseph Smith sa kanyang tahanan at narinig ito na nagkukuwento ng pinakaunang naranasan nito na pangitain.